370 - Patnugot Ko Ay Si Jesus

Patnugot ko ay si Jesus
At kaaliwan ng loob,
Sa anumang aking kilos
Ako ay Kaniyang kupkop.

REFRAIN

Patnugot Kita, Oh! Jesus
Sa anumang aking kilos,
Tapat akong taga-sunod
Sa salita Mong ma-irog!

Kahit sa masayang bayan,
At sa kapighatian man,
Sa dagat na kalawakan,
Patnugot ko nga ay Ikaw.

REFRAIN

Patnugot Kita, Oh! Jesus
Sa anumang aking kilos,
Tapat akong taga-sunod
Sa salita Mong ma-irog!

Jesus, kamay ko'y abutin
H'wag Mo po akong hapisin
Ang sa aki'y umaaliw
Patnugot Kang Diyos na tambing.

REFRAIN

Patnugot Kita, Oh! Jesus
Sa anumang aking kilos,
Tapat akong taga-sunod
Sa salita Mong ma-irog!

At sa aking kawakasan
Biyaya Mo ay pakamtan,
Oh! Jesus, sa pagka't Ikaw
Ay patnugot ko saanman.

REFRAIN

Patnugot Kita, Oh! Jesus
Sa anumang aking kilos,
Tapat akong taga-sunod
Sa salita Mong ma-irog!

0:00 0:00